OPM – Original Filipino Music
Sep 1, 2011 OPM
Posted by
admin
Sabi ng Kanta ni Hajji Alejandro:
“O kay ganda ng ating musika 2x
Ito’y likha sa atin
Awitin natin”
Napakaganda talaga ng ating musika, bilang isang immigrante dito sa Amerika nais kung bigyan ng pugay ang ating industriya sa musika sa pamamagitan ng blog na ito.
Alam ko na pede kung tulungan ang ating mga musikero makapasok at magkaroon ng tinig dito sa Amerika para sa mga kababayan nating namumuhay dito sa Amerika.
Ang aking playlist sa iPhone habang ako’y naglalakad/ehersisyo ay mga kanta ni Rico J Puno, ito’y nagbibigay sakin ng lunas sa kalungkutan bilang immigrante sa Amerika. Ang kanta ni Rico J ay nagpapaalala sakin ng mga magagandang panahon ng ako’y nasa Pilipinas pa naninirahan.
Kaya itong blog na ito ang magbibigay sa inyo ng konting kasiyahan sa mga musika at musikero ng ating mahal na Pilipinas.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.